ni Mark Jhon C. Oxillo
Ako ay nabigla at nagulat,
Nung sa akin ika'y unang mag-"chat".
Puso'y sumikip, mata'y dumilat.
Nanginginig at atat na atat.
Di makapagsalita't 'di makagalaw,
Gustuhin man ng pusong sumigaw,
'Di magawa pagkat uhaw na uhaw,
Sa natatangi't nag-iisang ikaw.
At sarili natin ay kinilala,
'Gang sa nahulog sa isa't isa.
Nagkamabutihan at sumaya,
Walang kapares at walang iba.
Hindi ko mapigilang kiligin
Sa mensaheng gawa mo sa akin.
Tila uod na binuhusan ng asin
Ang nadarama ng aking damdamin.
Aking sinta, sana'y 'di ka magsawa,
Pagmamahal mong dalisay sa t'wina
Na namumukod-tangi sa iba,
'Pagkat sa piling mo ako'y payapa.
oOo
No comments:
Post a Comment